Last September 30, Nadia Montenegro filed a case against Annabelle Rama for violating Republic Act No. 7610 or the Anti-Child Abuse Act. Another charge of defamation was also lodged by Montenegro against Rama for allegedly circulating rumors about her two daughters, Anykka Allandra Pla Asistio (15) and Alyana Alissandra Pla Asistio (17) work for more than 40 hours and made them choose between career and education.!
Annabelle on the allegations that she made Nadia’s daughter’s work for over 40 hours:
“Hindi totoo ‘yan kasi ang anak niya hindi naman bida, eh. Ang anak niya hindi rin support. Hindi pa naman siya sikat, hindi puwedeng mag-support ‘yon. Parang nadoon lang, kasama lang—bestfriend, kasama sa bida. Sabi ko nga, tinalbugan pa niya ang anak kong si Richard Gutierrez. Sariling show ni Richard, 24 hours lang siya nagtatrabaho, 22 hours lang siya nagtatrabaho… tapos ito 40 hours. Bakit? Dalawang eksena lang siya, 40 hours?”
“Unang-una, ‘wag niya sa akin ibe-blame ’yon kasi hindi ako producer, hindi ako sa production. I-blame niya sa production kasi sila ang nando’n sa set.”
Annabelle on the allegation that she made Nadia’s daughters choose between career and education:
“Ito ‘yon. Mag-aaral daw ang anak niya. Sabi ko, mamimili ka. Totoo sinabi ko ‘yon… mamimili ka, career or schooling. Kasi ang gusto ni Nadia, mag-aral ang anak niya tapos magsyu-shoot siya ng alas sais ng hapon. Sabi ko, tinalbugan pa ‘yung mga sikat na artista, ‘Day. Tinalbugan pa ang anak ko. Ang anak ko nagtatrabaho alas singko ng umaga start. Hindi naman bida ang anak mo. Paano ko sasabihin sa production na ang anak mo puwedeng mag-start ng alas sais ng hapon. Napaka-donya naman natin kung sasabihin ko sa production ‘yan.”
“Sabi ko, kung gustong mag-aral, huminto muna sa career niya [sa] showbiz. Tutal naman mga bata pa naman, marami pang panahon. Ayaw niyang pumayag. Siya ang nagpa-quit ng anak niya para hindi sagabal sa trabaho.”
“Dapat siya ang idemanda ng abuse kasi hindi niya inalagaan ang anak niya, eh. Pinatrabaho niya. Hindi niya alam kung ano oras umuwi tapos rerekla-reklamo siya.”
Annabelle on how the spat started:
“Noong pinapalayas siya sa bahay niya sa Blueridge, lumapit siya sa akin. Kailangan niyang mangutang sa GMA si Ynna, advance ng suweldo para pang-downpayment doon sa bahay na kukunin niya ngayon kung saan siya nakatira. Hundred thousand a month ‘yung bahay so kailangan siyang mag-downpayment ng one million. Doon nagstart ang aming away, eh.
“Kinausap ko si Annette [Gozon-Abrogar] na pagbigyan naman si Ynna, na si Ynna mag-advance ng one million.”
Annabelle on her commission as a talent manager:
“As a manager, maski saan ka pupuntang manager, mag-advance ka, automatic bigay mo ang commission sa manager mo. Pinagpipilitan ni Nadiana nangutang daw siya [so] ba’t ako kukuha ng commission.
“Papaano ka mangungutang, Nadia, kung wala namang kontrata ang bata sa GMA. Sino ba naman siya? Ba’t siya pautangin ng isang milyon?”
Annabelle’s last message:
“Nadia, ang last message ko sa’yo, bayaran mo ang utang mo sa akin plus three years interest, puwede?”
What are your thoughts about this issue?