Ang Kahulugan ng Ekonomiks

Update: Hello po to all of you fellow Students who arrived at this blog looking for stuff like ano ang kahulugan ng ekonomiks. Mabuti naman at nag-hahanap talaga kayo ng impormasyon sa internet. Nais ko po sana kayo imbitahin, kahit sino man kayo at kahit anong taon kayo  sa College or High School na sumali dito sa Pinoy Teens bilang isang manunulat. Maari po kayong sumulat din ng mga lessons or ng kung ano ano pa man na sa tingin niyo angkop at magustuhan ng ibang tao. Libre, walang bayad, ang sumali dito sa aming munting grupo. May chance ka pang makiki-sali sa mga events, press launches at iba pa sa inyong mga lugar. Please let us know in the comments below if you want to join Pinoy Teens New Media. You may also text us at 09174408918 or email us through pinoyteens@gmail.com

Since at the school that I’m attending we are using our Philippine Language (Tagalog) in the discussion of Social Studies, I’ll gonna apply the same language to this lesson that I’ll be taken from my book. Sorry for the English people.

Ano ang Ekonomiks?

  • Ang ekonomiks ay agham na tumatalakay produksyon at distribusyon ng yaman ng bansa.
  • Ang ekonomiks ay agham-panlipunang tumatalakay sa kung paano maaaring maipluwensyiyahan ang isang tao dahil sa sistema ng ekonomiya.
  • Ang ekonomiks ay agham-panlipunang tumatalakay sa pagpili ng likas na yaman kung saaan sagana ang isang pamahalaan.
  • Ang ekonomiks ay isang agham na nag-aaral sa gawi ng taong may kinalaman sa ugnayan ng pangangailangan at kakapusang may alternatibong gamit.
  • Ang ekonomiks ay pag-aaral ng sangkatauhan sa pangkakaraniwang pang-araw-araw na buhay. Sinusuri nito ang bahagi ng kilos ng tao at pangkahalatang iniuugnay sa pagkakamit at paggamit ng pangunahing pangangailangang materyal ng tao.
  • Ang ekonomiks ay ang pag-aaral kung paano tinustustusan ng tao o lipinan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mahusay na alokasyon o pagbabaha-bahagi ng pinagkukunang-yaman.

Ang mga nabanggit ay ilan sa mga kahulugang ibinagay ng ilang mga libro para sa asignaturang ekonomiks. Bagama’t tama ang lahat, iba-iba ang pananaw ng bawat isa ukol sa asignatura. Maari nating kunin ang mahahalagang puntos ng bawat isa sa pagbuo ng sarili nating kahuluguhan.

Ang isang makabuluhang kahulugan ng ekonomiks ay maaring hatiin sa apat na mahahalagang bahagi:

  • Isang agham-panlipunan
  • Limitadong yaman
  • Mga pangangailangan at walang katapusang hilig at luho ng tao
  • Lubusang paggamit.

Ang ekonomiks ay isang agham dahil ginagamitan ito ng mga tsart, grap, at matematika sa mga pagsusuring ukol dito. Higit pa rito ay sinusunod nito ang mga pamamaraan ng palulutas sa mga suliraning iginawad sa sangkatauhan ni Sir Francis Bacon, ang scientific method. Gaya ng ibang mga agham, naniniwala ang ekonomiks sa kalipunan ng mga hakbang na dapat isagawa upang malutas ang mga suliranin sa asignaturang ito. Kinakailangan muna tukuyin ang problema, gumawa ng hypotheses, mag-obserba at kumalap ng mga datos, bago guamawa ng konklusyon. Sa tulong ng pamamaraang ito lamang, ayon kay Bacon, maari nating masiguro ang mga konklusyong ating binubuo bilang kalutasan sa mga suliranin.

Kung ang kailangan nyo, ang bumuo ng isa pang kahulugan ng ekonomiks gamit ang sariling salita, oh ang apat na bahagi na binigay namin sa itaas, maari nyong magamit ang kahulugan na binuo namin na base sa apat na mahahalagahang bahagi nito: Ang ekonomiks ay isang agham-panlipunan na tumatalakay sa limitadong yaman, mga pangangailangan at walang katapusang luho ng tao, at sa lubusang paggamit ng mga yaman ng mundo.

  • http://friedter hplar

    ano po yung batas ng lumiliit na kapakinabanga?

  • http://www.facebook.com/profile.php?id=100000463390674 メンドーサ マリ息子

    talaga..

  • gehk

    thanks sa info. ;))) my ass. nako :D

  • Amineish

    thanks so much sa info! May may preparation na ako. orz nosebleed kasi ako sa Ekonomiks kasi dating English (Social Studies) yun sa’min eh. It really helped. Thank you so much! :D

    • http://pinoyteens.net/ Georg Kevin

      You’re welcome! Sayang I didn’t manage to write more lessons nung High School pa ako.

      • Amineish

        okay lang po :D thank you pa rin po! :)

  • khim

    pwde bang maki sali dito ?

    tourism ako pero gusto ko tlga ma-share ung knowledge ko lalo na sa Social Studies.

    paki reply lng po. thanks.

  • nanini

    hi, nag hahanap kasi ako ng 5 author na pilipino na nagsulat ng kahulgan ng economiks.. at ang knilang meaning thanks.. hope ull help me guys..

  • nica

    thanks for help

  • rommel

    thanks a lot more power!

  • dhemz

    thankz for help

  • Rhea

    This is really a great help! Thanks Pinoy Teens! More Power! <3

  • Air

    Kamsahamnida pro dito :-)

  • chei

    thanks. this helps a lot. :)