Princess Salan of the Philippine Teens Media / Davao Bloggers joined the 5th Pencil Distribution in Tugbok last December 29, 2010. She was accompanied by members of Pens of Hope and other volunteers. Here’s how her day was…
As in, nakakaloka ang araw na to for me. Why? Eh, kase naman, may nakilala lang naman akong bloggers which I admire most. Naku. But, hindi yan ang dapat i-share ko.
Here’s what I’ve experienced. Well, first time ko lang naman sumali sa isang outreach program at isa yun sa mga dreams ko. As in feel na feel ko talagang sumali sa mga outreach program pero, andaming sagabal eh. 🙂
So ayun, I pursued it. Haha. Walang makakapigil saken nuh. 🙂 And this time, ibang saya yung naramdaman ko, at first, medyo di ako sanay sa atmosphere ng mga tao doon, nung tumagal, nasanay ako. 😀 Atleast may nakakausap ako dun. Omigosh. Andaming bata nung pagpasok ko sa baranggay hall sa Tugbok. Medyo late na kasi akong dumating. Buti nalang at na-recognize ako ni Ate Angie. 🙂
After the parlor games, kainan na! As in unexpected talaga na ako ang nag-lead ng prayer before meals. Chos! Haha. Ayun, nung sinabi na na magpila na. Hala, nagsitakbuhan na ang mga bata pero, pinauna muna yung mga maliliit na bata. And nagsimula na kaming magbigay ng biskwit tsaka juice.
After ng kainan, ayun, nagsikain nadin kami. Ang tahimik ko lang sa gilid, parang OP ako..pero bigla akong pinansin ni Ate Leah. And nakichika na rin ako sa kanila. After the chikahan, nagsimula ng mamigay ng pencils. Nagsimula ng pumila ang mga bata para bigyan ng lapis. Ang iba, tinatago nila tapos bumabalik para humingi ulit. Hahaha.
Pero, may kumuha sa atensyon ko, may kambal na babae ang nandoon sa venue. Eh akong mahilig sa cute at makukulit na bata. Ayun, di ko mapigilang manggigil, pinipisil ang mukha nilang dalawa. 🙂 Ang cute naman kase eh. Hehe.
And so this day, PRODUCTIVE ever talaga. This is the best day ever! As in, di lang ako nakasali sa outreach program kundi, nakilala ko pa ang ibang bloggers na gusto kong kilalanin (sana si Orman Manansala din, ma-meet ko. Hope so. )