Mula sa pagpapaligo, pagttoothbrush at pagbibihis, haring-hari ang dating ni Nan dahil sineserbisyohan siya ng gentle giant na si Jolas.  Curious na curious si Kevin na tinitingnan ang ginagawa ni Jolas for Nan. At si Nan naman todo flash ang pearly whites sa VIP treatment ng housemate. Hindi pa nagtatapos doon! Sinuotan pa siya ng gold na outfit na panghari, at may matching crown pa! Si Rona ang nag-ayos ng final look ni Nan at satisfied ang junior kengkoy ng Davao. Pagkalabas sa kwarto, pabiro at may kasamang bungisngis na nag low bow pa sa kaniya si Kevin, Alex at Josef! Hmm.. Subaybayan natin ang mga detalye ng pagiging hari ni Nan!

Leave a Reply