Kamusta naman ang tanong na yun ni Alex sa mag BBF?

Unang tanong ay kung ilang taon na silang hindi nagkita at buti naman naalala pa nila ang made-up story at parehas nilang nasagot na 4 years. Nakuha rin nila kung kelan ang huling pagkikita at paano sila nagkakilala. Pero nung tinanong kung ano ang favorite food ni Robi,  sumablay si Josef dahil ang sagot niya ay bangus at ang sagot naman ni Robi ay SINIGANG na BANGUS! In fairness sa bagong magkakilala eh somewhat nakuha nila. At nung tinanong naman kung ano ang shoe size ni Robi, aba’y hindi naman sana masyadong halata na sumilip si Josef sa paa ni Robi. Sige nga Josef anong hula mo sa paang iyon? Hehe. Size 8 1/2 ang sagot ni Josef pero ano nga ba ang size ng paa ni Robi? Kamusta naman kaya ang rating nila sa friendship nila? Napatunayan ba nila na compatible sila? Abangan mamaya ang tally ng score!

Shares
Share This